Lol. Tapos na ang Orientation namin nung Monday. Sa katunayan, nilagay na din kami sa kanya-kanyang mga section. Naging madrama/makapagbagbag damdamin ang paghihiwalay ng section namin ng mga kaibigan ko, which is tinatawag naming CARAMELAS. Ang hirap, grabe, nung una, hindi ko talaga matanggap. 8 lahat ng Caramelas. 5 ang kaming nasa section ng St. John. Samantalang yung 3 nasa St. Matthew. Naloka/nawindang/natameme/naluha/napapadyak/nalungkot ako ng marinig kong habang isa-isang binabanggit ang mga pangalan eh wala ang apelyido nila. :( Kahit ayaw na ayaw kong mapaiyak. Hindi, talagang naluha ako. At tingin ko, MUKHA AKONG TANGA. Pero okay lang yun, hindi lang naman ako yung napaiyak eh.
So, yun nga. Pagkatapos naming magdrama na parang sa ibang bansa pupunta ang isa't isa eh pumunta na kami sa mga sari-sarili naming room. Nung umaga, tahimik lang ako. Syempre, nage-emo emo muna ko. Napa-isip tuloy ako, sabi nung mga Alumni na nakausap ko, ang 3rd Year Life daw ang pinaka masaya. Magiging masaya ba ko eh hindi ko nga kasama yung mga tunay as in solid na mga friendships ko?. Habang lumilipas ang araw na 'yon, di ko namalayan, nage-enjoy din pala ako. Napansin ko na tawa ako ng tawa buong araw. Siguro dahil sa nagen-enjoy akong kilalanin mabuti yung mga dating taga ibang section na ngayon eh kaklase ko na. Masaya pala.
Tingin ko naman, makaka survive naman ako ngayong School Year. :) Sana ganun din yung mga dabarkadz ko sa kabila. Gudluck samin.
agree. pinakamasaya / pinakamadrama / pinakacontrobersyal ang third year. Enjoyin mo yan. Next year busy busyhan ka na :]
ReplyDeleteMy gaaaaaaaaawwwwd. Ayoko naaaa! :)) Jusmiyo. Gudlak nalang talaga saken XD
ReplyDelete