Kasabawan Chronicles
Hindi talaga ako magaling magBlog kaya pagpasensyahan nyo na.
Tuesday, October 30, 2012
Lord, bless me enough strength po. Alam ko pong challenge mo lang to and malalagpasan din po namin to. Please bless my mother extra strength din po Lord, she gone through many trials na po. She's doing her best po para maitaguyod yung pamilya namin so please Lord, guide her po, don't make her give up on us po. Kailangan pa po namin siya. We love her so much. And lastly, bless this family po. We're not one of those perfect family, we have many issues po, but I know malalagpasan namin to. In Your holy name, amen.
Monday, October 29, 2012
Kinaen ko yung sinabe ko.
About to dun sa huling kong post.
Natapos na ang isang sem at so far, maganda naman ang naging buhay ko sa huling limang buwan. Marami akong bagong naging kaibigan. Actually, naging Class Mayor pa nga ko, akalain mo yun! Anyway, 1 week ago, nirelease na yung grades, okay naman, actually di lang okay, kase kung icocompare sa iba kong mga kaklase, medyo mataaas yung GWA ko. So natupad yung isa kong sinabe dun sa huli kong post. Matino naman ako sa pagaaral ko ngayon. At masasabi kong worth it naman ang ginagastos ng magulang ko sa pagaaral ko.
Kaso dun sa pangalawa, may sabit. Nasa isang relasyon ako ngayon. Oo, alam ko nasa isip mo ngayon, "1st Sem palang, lumandi na?!". Sorry naman, saktan mo nako. Pero seriously, hindi ko talaga to inexpect. Kinaen ko talaga yung mga sinabe ko. Eto na nga siguro yung sinasabi nilang, "Wag ka magsalita ng tapos". Hindi naman sa dahil naghanap talaga ako, kaya ako nasa isang relasyon ngayon. Kusa siyang dumating sakin. Ilang beses ko ngang kinonsulta si God kung tama ba na pumasok ako sa relasyon ngayon. Alam kong bata pako, at ilang beses nakong nagpadalos dalos kaya ako nasaktan. Pero iba eh, binigyan talaga ako ng sign. Until nag give up nako, at ni lift up ko nalang Sakanya. "Lord, Ikaw na pong bahala. I-guide Mo po kame. Alam kong may purpose Ka samin. Sana po maging instrument kame sa isa't isa para mapalapit Sayo." Yan yung sinabi ko Sakanya. At thankful ako ng sobra sobra kay God, kase hanggang ngayon, hindi ko niregret yun. Kung sabe ko dun sa huli kong post na hindi ako nakakapag focus sa pagaaral kapag may lovelife, iba na ngayon. Sobrang naging inspirasyon ko siya. And yung iba kong bad attitudes tulad ng pagiging moody at mapride, nababawasan na dahil sakanya. Siguro nga siya yung pinadala ni God para i-guide ako.
Ang saya pala no? Yung feeling na you're doing good dun sa path na pinili mo, then gina-guide ka nung taong mahal mo. And all because of Him, hindi Nya talaga ako ni-let down.
To God be all the Glory. :)

Monday, June 4, 2012
MAGTITINO NA TALAGA AKO THIS YEAR
Itaga nyo sa taba ko, magtitino na talaga ako.
Hindi naman sa sinasabi kong pariwara ako dati. Medyo gago-gago lang talaga. Gusto ko lang mas ifocus yung sarili ko ngayong college. Hindi naman kasi biro ang gastos sakin ng magulang ko lalo na ngayon. Magastos na nga sa allowance (dahil uwian ako), magastos pa lalo sa gamit (dahil nga fine arts ako).
Gusto ko naman ngayon MAS patunayan na may mararating ako balang araw. Kahit na sobrang rare ng job opportunities sa course ko, tangina promis talaga, makakatrabaho ako. Ayoko na kasing sayangin ngayon yung effort at panahon ko. Sana naman talaga wala akong maging bagsak (which is medyo imposible dahil halos lahat naman narararanasan yan sa college). Pero sana talaga.
Kaya wala munang lovelife. Kung magkakaron man, inspirasyon lang. Wag muna seryosohin. Tangina nanunumpa talaga ako sa blong ko to, at sa apat kong readers dito, na hindi na ulit ako magpapadistract sa lalake at di na ko agad magpapadala sa kilig agad agad. Kasi kung may mga taong mas ginaganahan mag-aral pag may lovelife, ako hindi. Nawawalan kasi agad ako ng focus. KAYA PROMISE TALAGA, wala munang lovelife.
Lord, tulungan mo ko ha? Strength and Patience lang. :)
KAYA KO TO!

Friday, June 1, 2012
Bata ka, entitled kang magkamali
Yung feeling na ginagawa mo naman yung best mo pero kulang pa para sakanila. At ang nakakainis pa eh kapag nagkamali ka, hinding hindi nila nakakalimutan. Sabi nga nung iba, “Bata ka, entitled ka magkamali” eh kung ganun naman pala, bat ganun nalang sila kung magalit tuwing may nagagawa akong mali? Pero yung mga nagawa kong maganda at tama, ni katiting ng atensyon nila hindi nila binigay? Nakakapota lang kasi sa feeling.
Oo alam ko, para rin naman sakin yung mga sinasabi nilang masasakit para mag strive pako. Pero sana naman may limitations. Kasi nakakabullshit na. Imbis na pataasin nila yung confidence mo at i-encourage ka, parang lalo kapa nilang binababa. Ang hirap sa feeling na nape-pressure kang istrive yung isang bagay na at the end alam mong hindi naman nila maa-appreciate. Nakakajirits.
Friday, April 20, 2012
Nag-expect lang ako (ulit)
Alam nyo yung masakit na feeling tuwing nadidisappoint ka kasi hindi natupad yung ine-expect mo?
Ramdam na ramdam ko yun ngayon. Actually, hindi lang naman to yung unang beses na nangyare to eh. Pero bakit ganun? Parang hindi ako natututo?
Sa ngayon, yung utak ko sinasabe, "Okay lang yan. Ganun talaga eh. Better luck next time nalang". Pero yung puso ko, sumisigaw ng "Tangina naman Renzelle! Ako nalang palaging kawawa oh! Matuto ka naman!"
Pero siguro ganun nga yun no? Paulit ulit na mangyayare sayo hanggang sa maging manhid kana sa sakit na mararamdaman mo.
Kelangan kong itaga sa isip ko na may mga bagay na hindi talaga umaayon sa kagustuhan ko. At kelangan kong matutong kung pano huwag magpadala sa emosyon.
Kasi kung hindi, tuloy tuloy lang...
Tuloy tuloy lang at paulit ulit lang akong masasaktan..
Monday, April 16, 2012
Bakit Fine Arts?
Fine Arts
Sa bansa natin, kapag nakarinig ka o may nagsabi sayong "Fine Arts" ang kurso nila at hindi naman sila ganun kapera eh mapapatanong ka ng "Bakit Fine Arts?". Isa lang naman ako sa mga taong surang sura nang sagutin ang tanong na 'yan. Kung may bayad lang siguro ang pagsagot ng tanong na 'yan eh mayaman nako. Pero dahil mabait ako at imposible namang maningil ako kapag tinanong ako ng ganyan, nananatili pa din akon pobre.
Pero may point din naman kasi yung nagtatanong. Alam mo na ngang hindi ka ganun kapera, wala pang pangalan yung pamilya mo sa larangan ng Arts, tas yun pa din yung gusto mong ipursue na career?
Grade 2 ako nung una kong nalaman yang kursong yan. Pag tinatanong kasi ako dati kung anung gusto kong maging pagtanda ko, ang sagot ko eh Cashier sa grocery. Oo, cashier. Nung narinig yan ng nanay ko, sabe niya sakin, "Kung magca-Cashier ka lang din naman pala, wag kana mag-aral". Hindi ko nagets ko bakit niya sinabi yan nung bata pako. Sa isip isip ko, "diba kelangan magaling sa Math kapag Cashier?".
So balik na nga tayo dun sa Grade 2 ako.
Yun nga, Grade 2 ako nung una kong nalaman na may kurso palang Fine Arts. Yung puro drawing lang ang gagawin mo pero pag dating ng araw eh kikita ka kahit drawing ka lang ng drawing. Ganto yung storya niyan, may seatwork kasi kami noon sa Relg subj namen, pinagdrawing kame ng teacher namin, hindi ko na maalala kung tungkol saan pero sa pagkakaalala ko eh dinrawing ko si Jesus kasama yung mga disciples niya. Pero dahil astig ako, complete with bigote and everything ang Jesus with His disciples ko. Nagandahan yung teacher ko(ehem), kaya sabi niya "Mag Fine Arts ka!". Tas ako naman, "ha? anu daw?". Pero syempre hindi ko talaga sinabi yan sakanya. Kaya habang palaki ako ng palaki, narealize ko kung anu ba talaga yung Fine Arts at narealize ko din na kung ang goal ko eh yumaman, hindi dapat Cashier ang maging trabaho ko.
Hindi ko naman kinukwento yan tuwing tinatanong ako. Gusto ko lang idagdag dito sa entry na to. Wala lang. Pampahaba ba. :)) De joke.
Pero ang sinasabi ko lang kapag tinatanong ako,
"Bakit Fine Arts? Kasi nage-enjoy ako magdrawing"
Pero may mga tao talagang sadyang di nasisiyahan sa sagot ko. Kaya idadagdag pa nila ang tanong na, "May future ka kaya diyan?"
Nung una ipinagkikibit balikat ko lang ang sagot kapag yan na ang tanong. Kasi oo nga naman, meron nga naman kaya akong magiging disenteng trabaho pag ka graduate ko? Ayokong maging kasapi sa federasyon ng mga taong nagpapasikip lang sa bansa natin at walang naitutulong sa pamilya.
Matagal tagal ko ding pinagisipan ang isasagot ko sa tanong na yan. Hanggang sa ako naman ang nagtanong ng ganyan sa isang kaibigan kong Fine Arts student. Ang sabi niya, "Oo. Wala naman kasing imposible kung pagsusumikapan at gagalingan mo eh."
Tama siya. Hindi naman natin mape-predict ang mga mangyayari sa hinaharap. Hindi natin agad masasabi na wala naman akong mapapala. Hindi rin naman agad masasabi na meron nga akong mapapala. Pero kung pagsusumikapan, merong mangyayari.
Ngayon, tuwing tinatanong nako ng "Bakit Fine Arts?"
Proud na proud nakong sumasagot ng,
"Bakit Fine Arts? Kasi nage-enjoy akong magdrawing. At itaga mo sa bato, uunlad ako dahil dito."
Nagugulumihanan si Renzelle.
May isang lalaki. May isang lalaki na hindi ko talaga alam kung anong papel niya ngayon sa buhay ko.
Simula nung eksaktong araw ng birthday ko, umenter siya sa balahurang buhay ni Renzelle. Simula noong araw na 'yon, hanggang ngayong segundong ito, naging malaking parte siya ng pang araw-araw na buhay ko.
Nagsimula sa isang wall post ng "Happy Birthday bata". Ako naman 'tong echusera, comment naman ng "hindi nako bata! 16 na kaya ko!". Actually random lang talaga na pagkakataon kung baket ko siya naging "friend" sa Facebook. Hindi ko naman kasi talaga gawaing mag-accept ng mag-accept ng friend requests lalo na kung hindi ko kilala. Hindi ko alam kung anung sapak ko nung araw na yun kung baket pinaga-accept ko lahat ng nasa pending ko. Basta ganun ung nangyare.
Etong lalaking to ang sinasabi kong nage-effort talaga. Hindi ko alam kung anung meron pero pinagtiyagaan niya akong itext at tawagan sa loob ng apat na buwan. Kaya nagsimula nang lumalim yung pagkakaibigan namin. Madami nakong alam tungkol sakanya, sandamakmak naman ang alam niya sakin. Sa apat na buwan na yun, hindi ko talaga alam kung san 'to tutungo. Pero iisa ang nakatatak sa isip ko, hinding hindi ako magkakagusto sa taong to. Odiba, nagmamaganda si Ate Renzelle :))
Tumagal pa ng ilang panahon, nagpaparamdam na itong si lalaki. Hindi ko sasabihing may gusto na siya sakin dahil wala naman siyang sinasabi. Alam nyo na yun. Hindi naman kasi ako manhid para mag deny na hindi na talaga yung normal na pang magkaibigan yung ginagawa niyang effort. Pero iisa parin ang nakatatak sa isip ko, hindi talaga, hindi.
Nagkita na kami, dalawang beses. Una, nung Graduation Ball namin. Pangalawa, nung "date" kuno namin. Actually hindi talaga siya matuturing na date kasi may kasama akong chaperon at hindi kami nagkibuaan maliban nalang nung pauwi na. Parang tanga lang eh no?
Okay, balik tayo dun sa sinasabi ko.
Sabi ng isang kaibigan ko, "baka siya na yan 'te". Siya na DAW. Pero syempre, denial queen ako. Hindi kasi ako naniniwalang maaring magkagusto ang isang tao na ang tanging communication lang eh text at tawag. Sabe ko, "ewan ko. basta hindi."
Pero may sinabi siyang parang sumampal sakin,
"Pag yan nagsawa, baka ikaw tong humabol diyan."
Napaisip ako bigla.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko(chos).
Ewan ko, bat ganun.
Naguluhan ako bigla. Parang may panghihinayang na ewan.
Bat ganun?
Bat ako nakaramdam ng takot?
Subscribe to:
Posts (Atom)