Monday, June 28, 2010

PAKYEH PULBO.

Kahapon, after 1563278946 years, nakabili ulit ako ng pulbo. Oo, yung Johnson's Powder. At yung "cooling" ang pinili ko. Tuwang tuwa ako dahil palagi nalang yung kulay puti na mukha cornstarch yung binibili ni mommy. At isa pa, yun na yung last na cooling na nakalagay dun sa stand ng grocery.

Para sa mga hindi nakaka-alam, yung "cooling" na Johnson's Powder eh may takip na kulay green. Tapos pag pinagpawisan kayo sa likod, pag nilagyan mo nun. Ay grabe, SWAAAABEEEEH. Anlamig sa likod. (duuh, kaya nga "cooling" eh.)

So yun nga, at syempre, binitbit ko sya sa school kanina. Tuwang tuwa ako dahil tuwing nagpapawis ako eh agad agad ang naglalagay non sa likod at ma-ala langit ang pakiramdam. hurhur PERO PERO PERO, hindi naman nawawala ang mga dakilang classmates na de-hingi ng pulbo. At dahil nga "cooling" yung dala ko, BENTANG BENTA. Hanggang sa buong araw nalang itong palaboy laboy sa room.

At dahilan kung bakit ako nagpost tungkol sa pulbo ko, eh para manawagan. OO, MANAWAGAN.

Gusto ko lamang ipanawagan ang nawawala kong pulbo na pinagmamalaki ko sa taas. Kung nakanino man yun, parang awa. Pakibalik naman. 1 araw ko lang sya nakapiling. Iyak nako, ajujujuju lol joke :))

No comments:

Post a Comment