Hindi ko alam kung pano ko tatapusin tong post na to. Ngayon nalang ulet ako nagparamdam dito after 656546846153816329 yearssssssss! Namiss ko to.
Thursday, February 10, 2011
Ako ang babaeng tinu-two time.
Ang aking makapagdamdaming title ay galing kay Vanessa Ortega (pahinanibhenipot). Oo, tinu-two time ako..... tinu-two time ako ng aking iniirog sa dota. Nagiimbyerna nako. Araw-araw nalang na ginawa ng Diyos kaharap nya dota. Okay lang sana saken na mag-adik sya dun eh. Dahil nakaka-adik naman talaga. Ang kaso, sobra na eh. Nagiging iresponsable na sya. Tas minsan, pinagpapalit na nya ko para lang makapaglaro sya. Akalain mo yun, noong mismong birthday ko, imbes na sumama sya saken at sa mga kaibigan ko magcelebrate, in-una pa nya yang punyemas na dota na yan. Ano ba kase talagang meron dyan?! natry ko na yan eh, last year. Tama nga, nakaka-adik. Pero hindi din nagtagal nagsawa ako. Bat sila hindi nagsasawa? Hindi lang naman ang tinutukoy ko dito ay ang boypren kong adik sa dota, isasama ko na din sa post na to yung mga kalalakihan sa batch namin na 24/7 nagdodota. Pero joke lang yung 24/7 pang OA lang yun. Nakakaloka sila, nung una natutuwa din ako. Kasi may pustahan pa sila, tas minsan nakikipusta ako, tas pag nanalo, babalik ng doble yung pusta mo. Pero ngayong nakaraang mga buwan, napansin ko nanasosobrahan na. Halos araw-araw pustahan. Kahit sino itapat mo, lalabanan nila. Kahit na mag hunger strike sila sa eskwelahan may pang pusta at pandota lang! Kahit na mapudpod yung mga sapatos nila sa paglalakad papuntang pchan tuwing tapos ng klase makapag dota lang! Tingin ko talaga na mali na. Sobra na. Tapos kapag natatalo, madidisappoint sila. Jusko. Alam mo yung ansarap nang ideretsa sa mga pagmumukha nila na mali na yung gingwa nila?! Hindi ko lang talaga magawa dahil una, baka sabihin nila sakin na "ano bang pake mo?" at pangalawa, yung taong isa sa pinaka-importante sa buhay ko ay siguradong mao-offend din. Ang masama pa, nung isang araw lang, nagdadadrama sya. Kesyo nakapagnilay-nilay na daw sya. Kesyo hindi na daw sya magdodota, madalang nalang. Alam ko, hindi nya matutupad yun. Pero umaasa ako na mabawasbawasan lang. Oo nga, huminto sya, isang araw lang. Kanina lang eh, nabalitaan naming natalo sila sa dota, kung saan ang magaling kong boyfriend ay isa sa mga pumusta. Ayon. Sayang pera. Nung kinausap ko sya tungkol dun, ang ine-expect kong sasabihin nya eh "nadala nako", pero hindi! nawindang ako sa sagot nya. Ang sabi ba naman, "babawi talaga ko bukas. wala nakong pera eh" AY ANAK KA NG MISTISONG PATING! Ang sarap mong hampasan ng monitor. hindi ko na alam gagawen ko. Gusto ko na nga itawag ito sa True Love Conversations yung sa radyo. Pero syempre hindi ko gagawin yon. Desperada nako. Kelangan ko ng magaling maga-advice. Madaming nagtry na advican ako. Pero grabe, parang wala lang lahat. Nakakaloka.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment