Halos lahat naman siguro nang graduating ngayon eh ayaw pang grumaduate kuno. Pero syempre, may part talaga satin na excited nang mag college.
Hawak na natin ang sarili nating oras. Nasasatin kung gusto natin attendan ang isang subject o hindi. Nasasatin kung magpapa-late ba tayo. Nasasatin kung gagawa tayo ng quiz. Nasasatin kung irereview natin yung mga topics naidi-discuss. Lahat tayo ang bahala. Walang parusa. Ang kaso, babalik at babalik din satin yan balang araw.
Kung ako ang tatanungin nyo, Oo. Sobrang excited akong magcollege. Lalo na’t 12 years ako nagstay sa school ko. From kinder hanggang 4th year. First time kong lilipat ng school. Bagong facilities, bagong environment, at bagong kaibigan. Hindi naman sa ayaw at sawa nako sa mga kaibigan ko, mahal ko sila. Pero syempre oras na para makakilala ako ng bagong tao. Mga taong galing sa iba’t ibang klaseng lugar.
Isa pa kinae-excite-an ko eh ang pagaaralan ko. Actually hindi pa din talaga ako 100% sure sa kurso ko. Iniisip ko kasi, kung magfa-Fine Arts ako, may trabaho kaya ako sa future? Problemado ako kasi talent at skills talaga ang requirement para magkaron ka ng matinong trabaho sa larangan ng Arts. Pero sabi nga nila, kaya ng yun yung course ko dahil lalo kong mae-enhance yung skills ko. At pangalawa, dahil gusto ko yung gagawin ko. Siguro nga tama sila. Mage-enjoy ako kasi gusto ko yung ginagawa ko. At mahal ko ang pinagaaralan ko.
Excited din ako sa environment. Oo, aaminin ko, hindi ako ganun ka urban na tao. Kung tutuusin, hindi ko masasabi na nakakasabay ako sa taga-manila talaga. Pero tulad nga ng sabi ng nanay ko, ginusto ko ‘to. Matagal ko na talagang gustong mag-aral sa manila. Kumabaga nga, nasa Manila ang ikaa-asenso ko. Halos lahat naman siguro gustong sa Manila magaral. Una, dahil nandun ang mga naggagandahang mga unibersidad. Pangalawa, nandun ang mga top na pwedeng galaan. Syempre, hindi lang naman aral ang balak natin. Kaakibat na nun ang enjoyment.
Ilang araw nalang at gagraduate nako sa High School.
Ilang araw nalang sasabak na talaga ako sa tunay na mundo.
No comments:
Post a Comment